A Call To Patriots

By: Hon. Gary C. Alejano

Magandang araw po sa inyong lahat. Nais ko lamang sagutin ang mga patutsada ng Pangulong Duterte patungkol sa aming nakaraan at ng aming ipinaglalaban bilang miyembro ng Magdalo. Ang layunin nito ay para malinawan ang hindi nakakaalam at matigil ang pagpalaganap ng kasinungalingan ng pangulo at panlilinlang sa taumbayan.

Ako ay nalulungkot dahil ang opisina ng panguluhan ay naging peryahan na sa halip na bigyan ng malinaw na direksyon ang bansa ang Pangulo ay naging entertainer na kayang magtapon ng iresponsable at kabastusan na komento sa harap ng ating kababayan sa ibang bansa and he gets away with it.

Ano ba talaga ang ipinaglalaban ng Magdalo? Mainam din namang muling bisitahin ang mga hinaing ng grupo. Sa aming karanasan bilang mga batang sundalo, nakita namin ang realidad sa kanayunan na kung saan laganap ang kahirapan, kakulangan ng serbisyo sa mahihirap, kurapsiyon at inhustisya. Kasama na dito ang mga katiwalian sa loob ng organisasyon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas katulad ng pagbebenta ng baril at bala sa grupong rebelde at local politicians, kurapsiyon sa logistics at comptrollership, paba-on system, housing, benepisyo sa mga namamatay at nasusugatan na mga sundalo at iba pa.

Hindi po namin pakay ang makikipagdigma sa kapwa sundalo at pulis dahil ang kanilang kapakanan ang siya din namang aming ipinaglalaban. Sa dalawang pagkakataon sa Oakwood at Manila Penn incidents, ni isang putok ay di namin ginawa dahil ang mahalaga sa amin ay ang mensahe na aming sasabihin at hindi ang posibleng madugong labanan sa pagitan namin kahit pa man karamihan sa amin ay beterano na sa pakikidigma laban sa mga rebelde at kahit dala-dala namin ang malalakas at makabagong gamit sa AFP nang panahong iyon.

Ang isyu ng pagnakaw ng “kutsara, tinidor, towel at bedsheets”. Ang masabi ko lang, Pangulong Duterte huwag mong baguhin ang kasaysayan sa pamagitan ng pagsisinungaling. Maraming tao ang nakakaalam na ito’y hindi totoo. Mas mabuting itanong mo na lang sa media personalities na nandoon sa pangyayari. Harapin mo ang isyu ng diretso at iwasang ilihis ito sa walang kwentang panlalait ng tao lalong-lalo na kung ito ay walang katotohanan.

Ganun pa man, ang aming pagprotesta ay nagsanhi ng iba’t ibang imbestigasasyon upang alamin ang ugat ng aming hinaing. Mula dito nagkaroon ng mga rekomendasyon para sa ikakabuti ng AFP. Nagkaroon ng reporma sa comptroller ng AFP, ang budget para sa frontline units ay diretso nang binibigay sa kanila, naging maayos ang suplay ng uniporme at baril sa mga sundalo, nalantad at naayos ang isyu ng pabaon sa mga nagreretirong heneral, at iba pa.

Ngayon po laging sinasabi ng presidente at ng kanyang supporters na wala naman kaming nagawa sa bansa. Ang kapasidad ng isang tao na gumawa ng isang bagay para sa bansa ay naayon sa kanyang tungkulin o trabaho. In our case, we were soldiers before and now as legislators as we represent the Magdalo group.

Bilang mga sundalo noon, kami po ay nagtaya na ng aming buhay laban sa kalaban ng estado. Nagtiis na maiwanan ang mahal sa buhay upang magampanan ang sinumpaang tungkulin. Ilan sa amin ay may bahid ng tama ng bala sa katawan. Ang ilan ay namatay na. Kami po ay nakulong at nagdusa ng mahabang panahon dahil sa aming ipinaglaban.
Dahil sa pagnanais na maging bahagi ng solusyon sa mga problemang aming nakikita kami ay nakilahok sa eleksyon upang makapag impluwensiya sa mga importanteng polisiya ng bansa. Kami ay nabigyan ng mandato ng taong bayan sa katauhan ni Antonio Trillanes bilang senador at ang iyong lingkod bilang representante ng Magdalo Partylist. Sa aming panunungkulan, ang mga sumusunod ay ilan lang sa mga importanteng nagawa ng grupo para sa AFP at PNP:

A. Authored New AFP Modernization Law
B. Salary Standardization Law 3
C. Proposed Salary Standardization Law 4 that paved the way for the signing of Executive Order No. 201 – MODIFYING THE SALARY SCHEDULE FOR CIVILIAN GOVERNMENT PERSONNEL AND AUTHORIZING THE GRANT OF ADDITIONAL BENEFITS FOR BOTH CIVILIAN AND MILITARY AND UNIFORMED PERSONNEL
D. Increase of Subsistence Allowance for Uniformed Personnel from P90 to P150
E. Passing of an Act declaring the last full week of August as Armed Forces of the Filipino Week.
F. Passing of an Act increasing the burial assistance for veterans from ten thousand pesos (P10,000.00) to twenty thousand pesos (P20,000.00).
G. Construction of AFP Offices, Quarters and Barracks for Active Officers and Personnel

Bills and Resolutions
Previous Congress Bills and Resolutions Filed Bills Passed Into Law Remarks
Office of Senator TRILLANES (14th to 16th Congress) 1109 65 Laws Most Productive Senator
MAGDALO Partylist (16th Congress) 515 13 Laws Among the Most Productive Partylist
Other Benefits facilitated to Constituents
Programs Number of Beneficiaries
Scholarship/Student Financial Assistance 36,500
Food/ relief distribution/medical dental mission 200,000
Medical Assistance 135,000
TOTAL 371,500

Infrastructures facilitated – more than 1,000 projects.
Sa puntong ito, ako rin po ay magtatanong kay Presidente Duterte. Noong kayo po ay congressman ng Davao, ilan bang batas at panukalang batas ang iyong nagawa? Kayo na mismo ang nagsabi minsan na panay lamang panonood mo ng sine.
Pangalawa, alam po naming may ginawa ka sa Davao bilang mayor pero ako po ay magtatanong lamang. Noong nalalagay ba ang aming buhay sa balag ng alanganin dahil sa pakikipaglaban sa bandidong Abu Sayaff, at rebeldeng NPA at MILF nasaan ka?
– Hindi ba na ikaw ang kumukokop, sumusuporta at nagbibigay ng sanctuary sa mga rebeldeng NPA sa Davao?
– Hindi ba na ikaw ang nagsabi sa mga negosyante sa Davao na bahagi lamang ng negosyo ang pagbayad ng revolutionary taxes sa mga NPA?
– Hindi ba na inamin mo mismo noong December 2012 na ikaw ay nagbabayad ng revolutionary taxes sa NPA na umabot sa P125 million kada taon? Ilang milyon na ba ang nabigay mo sa kanila mula sa intelligence fund ng City sa buong panunungkulan mo sa Davao City?
– Hindi ba na binigyan mo nang hero’s burial at funeral si Kumader Paragon a iyong matalik na kaibigan?
– Sa lahat ba ng suporta mo sa NPA pinansiyal at pagkanlong sa kanila, ilang sundalo na ba ang namatay, nasugatan, o nakidnap dahil dito?
– Hindi ba po tayo nagtataka na kahit ilang sundalo na ang patraidor na pinatay sa panahon ng ceasefire at parang galit na galit ang pangulo na sinabi na papatagin ang kabundukan para habulin ang mga NPA at kinabukasan ay biglang pihit at sinabi niya na tuloy ang peacetalks?
– Hindi ba kataksilan sa bayan ang ginawa mo nang nanumpa kang ipagtanggol ang Constitution at ang Republika ng Pilipinas habang nagbibigay ka ng ayuda sa mga rebelde gamit mismo ang pondo ng kaban ng bayan?
– Hindi ba umiiral ngayon ang isang coalition government sa pagitan ninyo ng CPP-NPA-NDF dahil sa pag-appoint mo sa iyong gabinete mula sa kanilang hanay na kung saan bilyon bilyong pondo ng bansa ang nasa kanilang impluwensiya?
– Hindi mo ba nililinlang lamang ang kasundaluhan at ang taong bayan sa iyong pakay na gawing sosyalista ang bansang ito ayon sa ideology ng Communist Party of the Philippines?
-Ito ba ang dahilan kung bakit niyayakap mo ang kumonistang Tsina at galit na galit ka sa bansang Amerika?
– Ano ba ang iyong sekretong kasunduan sa bansang Tsina at mukhang napaka amo mo sa kanila kahit tahasang nilalabag ang integridad ng territoryo ng ating bansa?
Marami pa po akong katanungan sa Pangulo na mas mahalaga pa kaysa isyu ng pagnanakaw ng tuwalya, kutsara at tinidor sa isang hotel.

Patungkol naman sa hamon ng Pangulo na pangunahan namin ang pagdepensa sa Spratlys at Scarborough laban sa mga Chinese. Nais ko lang banggitin na kami ay sang ayon sa independent foreign policy at pakikipagkaibigan sa China ngunit dapat hindi kapalit nito ang ating territoryo at soberenya.
Pinapaalalahan ko ang pangulo na kung meron mang isang tao na unang tatayo at dedepensahan ang bansa iyon ay wala nang iba kundi siya at hindi magturo sa kanino man.

Ngunit sa halip na gawin ito mistulang binasura niya ang Hague Ruling na paborable sa atin kapalit ng ilang bilyon na investments at loans sa bansa. Tayo ay pumasok sa bitag ng Tsina na kung saan kinagat natin ang option na magaan at may pera pa pero at the expense naman ng ating claims sa WPS sa ngayon and in the future. Lingid sa kaalaman ng Pilipino na ang pautang na ito ay desenyo upang talian ang ating leeg sa mahabang panahon at mawalan tayo ng pagkakataong umangal sa kagustuhan nila.
Dahil dito bumuo ng narrative ang pangulo na sapagkat tayo ay mahina at walang kakayanan hindi tayo makikipag-giyera sa Tsina at tama lamang na hayaan natin sila. Ito ay paglilinlang sa atin sapagkat hindi lamang giyera ang kaparaanan paano i-assert ang ating karapatan sa WPS. Marami pang non-military options. Ang giyera ay dapat ay last option kung darating man tayo diyan.

We should increase our civilian activities because the volume of activities is a clear manifestation of our intention to assert our rights in WPS. We can empower our fishermen while building shelter and providing them support in our islands. Make our islands habitable, sustainable and comfortable. We can make these islands as tourism areas and open them to tourists. We can task our concerned agencies to conduct comprehensive marine survey and research in the area. We can beef up our coast guard fleet to conduct patrol in the area. Set up appropriate development and regulatory commission for Benham Rise. In fact, I have filed one. Ilan lang ito sa mga dapat gawin.

Ganun pa man, kung hahantong tayo sa labanan ng pwersa ng Tsina, kami po ay boluntaryong sasama dahil isang karangalan ang magsilbi sa bayan.

Maraming salamat.

41 Comments Add yours

  1. nilons. sta maria says:

    Mahuhay ang Magdalo!

    1. Lorna Murillo Meridor says:

      Well I believe in your idealogy,your principles,I hope you will continue to protect our sovereign rights,none will stand up but you,keep it up Mabuhay ang Magdalo!

    2. Benjamin C.Solis says:

      Ka isa ninyo ako at boluntaryong sasama sa inyo alang alang sa atin inang bayan,mabuhay kayo rep.gary alejano at sa lahat ng bomoboo ng MAGDALO.

  2. jao medina says:

    Maganda Kung naka highlight lahat Ng achievements nila.
    Nakakatamad basahen at ipaintindi sa simpleNg Tao.

  3. Zenaida Magtoto says:

    Salute to you all!

  4. alma cortes says:

    SALAMAT PO SA MAKATOTOHANANG SALAYSAY AT SA PAG GISING SA KAMALAYAN NG KAPWA NATING PILIPINONG NAG TUTULOG TULUGAN!!! MAHALIN NATIN ANG PILIPINAS ITO AY BIGAY SA ATIN NG MAYKAPAL. MAHALIN NATIN ANG ATING MGA KABABAYAN!!! MABUHAY ANG PILIPINAS

  5. Carmencita J. Garanzo says:

    I salute you sir Gary ! Also your grp and if course Sen Trillanes.Ang mga tulad po ninyo ang kailangan ng bayan.Ipagpatuliy po ninyo ang inyong matuwid at makabayang hangarin.Marami po pa rin,ang may malasakit at nagmamahal sa ating bayan.Kahangahanga po kayo ni Sen Trillanes at ang mga grupo ninyo at Magdalo.Pwede po ba sir na ipalathala ninyo ito sa mga peryodiko at pabrodcast ito sa mga tv stations,makatutulong po ito para sa kaalaman ng taong bayan at magbigay liwanag sa kanilang kaisipan.Sisimulan ko na po itong ishare sa facebook.Mabuhay po kayo at kasiyahan kayo at gabayan ng Poong Maykapal.Maraming salamat po sa inyong lahat.

  6. Leonardo bacolod says:

    Mabuhay kyo magdalo group

  7. e_libut@yahoo.com says:

    Mabuhay po kau! Ituloy ang laban pr sa bayan. #ImpeachDuterte

  8. Jose Daneson Jules Bañadera says:

    I’m fully support to MAGDALO IDEOLOGY, please count me in.

  9. max soriano says:

    tama lahat at sangayon ako sa mga snasaad ng sulat ng magdalo.mabuhay kau!

  10. Reden Thor says:

    MABUHAY ANG PILIPINO. MABUHAY ANG GRUPONG MAGDALO NA NAGSUSULONG AT NAGTATANGGOL SA KARAPATAN NG MGA PILIPINO! SUPURTAHAN AT PALAKASIN NATIN ANG TINIG NG MGA PILIPINO.SUPURTAHAN AT PALAKASIN NATIN ANG GRUPONG MAGDALO.

  11. leubas says:

    basahin ng malinawan,,,,,madali pti intindihin dahil sa wikang pambansa,,,,,,MABUHAY KAYO

  12. Elani Flores says:

    I believe in you and support you as you carry on and fight for what is right. The truth will guide us all. Mabuhay ang Pilipinas!

  13. ronald estopito says:

    mabuhay po ang magdalo…..GOD BE WITH YOU..sir

  14. lolat says:

    Yes pls write your achievements in bullet form para mas madaling basahin ng karamihan sa ating mga kababayan.Kasama nyo kame para sa Diyos at bayan.

  15. nelson bolos says:

    Your courage is admirable. Keep the light aglow against abuse of power, deception,treason and collaboration with the enemies of the country. We salute you

  16. Joey Lomibao says:

    Mabuhay po kau Magdalo Group, Mabuhay ang Pilipino, Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay po tayong lahat!

  17. brent condura says:

    Mabuhay ka Cong. Alejano at Sen. Trillanes. Kayo sa Magdalo ang tunay na pag-asa ng baya’ng ito. I suggest that you embark into a widespread conscientization campaign to educate more people about the truth. Develop mass leaders who would start discussion groups in schools (to come up with youth leaders), work place, institutions (churches, etc). Use the local radio stations because the masses do not have access to facebook in rural areas. Develop more rural organizers, come up with more reading materials (simple primers, komiks in the local dialects to make people understand the issues at hand), and then beef up the armed component. That is the only way that this Devil from Davao and his minions can be defeated. Lets do it! Mabuhay ang Magdalo!

  18. Zenaida says:

    Mabuhay ang grupo ng MAGDALO!!! Magigiting na katulad nyo ang kailangan ng ating bansa ngayon!

  19. Lyn says:

    Mabuhay po kau at ang mga kasamahan mo, sana maliliwanagan ang mga taong nadala sa kapangyarihan ni duterte. God Bless u all!

  20. jeyouz says:

    salamat po sa inyong pakikipaglaban at paninidigan para sa tama… Salute!

  21. Mabuhay ang group ng MAGDALO! Magigiting na katulad nyo ang kailangan ng bayan natin ngayon!

  22. Raul Dannang says:

    I am not a writer but somebody should volunteer to edit and enhance Hon. Gary Alejano’s post. With due respect, wala bang Content Writer ang group to process and edit all media and press releases like this? There is a lot of substance and comprehensive info, but to the easily bored readers, they tend to lose interest somewhere deep in the narratives. A good Content Writer should transform this post into a more professional and more attractive presentation. Sayang, kumpleto na sana, kulang lang sa porma! One more thing…the title “A Call to Patriots” seems not in line with the message of the publication. The article is centered mainly on Magdalo’s origin, cause, principles and accomplishments as it sought to clarify the issues on fake news and info about the group. One of several titles I can suggest: “Magdalo: In Defense of Truth, Democracy and Good Governance”

  23. FEMZ says:

    MABUHAY MAGDALO

  24. ramon espin says:

    Mabuhay po kayo sir at ang grupo nyo!

  25. robert stone says:

    OBJECTIVITY is still best in a DEBATE! i hope that the presidential communication team could comment on this objectively!

  26. N Riveroi says:

    Here we go again: Magdalos, Yellowtards, Dutertards, Marcos Loyalist, Oligarchs, Maoist, MILF, BIFF, NPA…the hell. Why can’t people in power work for a united Philippines. Work for all Pilipinos not just for a faction. Kaya tayo puniputikta ang Kano, Chinese, Malaysians dahil yung mga naka pwesto thrive on factionalism instead of unity.

  27. loren osorio says:

    I can attest that in our place marami na ang natulongan ng Magdalo at ni Senator Trillanes. Maganda ang kanilang adhikain at sila ay totoong mga tao na may mabuting kalooban at pagmamahal sa bayan

  28. Villa B. Ante says:

    Even without the above explanations, from the very start we knew the root of all these and duterte doesnt know anything he was just in his beloved davao sleeping..he wont care enough because he would only be 6 years and he had finished almost a year. He cannot think well, umalis na sa kanya ang Holy Spirit…

  29. Ruel de Castro says:

    Mabuhay po ang Magdalo!

    Maraming salamat po sa pagmamahal ninyo sa Bayan kahit hindi ito ang pinakamadaling landas. Mahaba pa po ang lalakbayin kaya’t pinaalalahanang kayo’y magpakatatag. Ang kasasayan ng bansa ay nasa panig ninyo.

  30. luz says:

    Wow !this is amazing ! Salamat Magdalo group sa maluwanag at mka bayan ninyong adhikain na kailangan namin mga pinoy….sa panahon ito na ang pakiramdam ng bawat pilipino ay nalulunod…nalulunod dahil sa kapangitan ng ating pamahalaan…..nalulunod sa dahilang walang pwedeng sumaklolo o mahihingan ng tulong…..salamat po magdalo group…..meron na kaming makakapitan ….patnubayan po kayong lahat at mabuhay !

  31. Ted Mallari says:

    Grand salute to magdalo group..

  32. Candelaria M. Castillo says:

    I’m one of those who are deeply touched by your words and actions, Cong. Gary, and ditto, Sen. Trillanes. And I believe in your advocacies, in the name of love of God, country and people! You are a rare breed, but with your continuing show of love and dedication in your work, many more will awaken. My prayers are that you, Sen. Trillanes, Sen. De Lima, and your group advocating truth, justice and love of country, be safe and strong in your fight for the right especially in the days ahead. Thank you for doing what you’re doing!

  33. Praying for the Madali to rise up and fight the deception and lies of duterte. May you convince more in the military and the police force. God bless

  34. franzdapogs@yahoo.com says:

    kaisa po ako…

  35. Margie Yu says:

    Patriotswise, The Magdalo Team are more FILIPINO (so, nationalistic) THAN the du30Team.

  36. Eugenio Sugalan says:

    I dont appreciate Magdalo on their ideology because their mindset is rebellion and all others politicians against the Government,instead to help the Philippines they are ruining it and the OFW suffered to much to stay long in other Countries to survive to earn a living.How many long years i am in abroad hoping the economy of the Philippines to be be good.You people help together not ruining the economy of the Philippines.

  37. Lea G. says:

    Mabuhay po kayo… Laban lang po..kayo po ang pag asa ng bayan..we salute you!

  38. minie de leon says:

    Sad to say some Filipinos goes for entertainment than for reality in life, thus, better life will not be attained. I salute you Magdalo for trying so hard to make Philippines a better country

  39. Amelita ariola says:

    We salute you magdalo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s